Saturday, November 30, 2013

TONG-ITS

Baraha. Sugal. May araw na minamalas. May araw namang swerte. At kahapon, ang araw ng malas. Bokya.
happy kasi maliit lang ang taya eh, 'lam mo na poor lang kami...
Ang paglalaro ng tong-its ay parang paglalaro din ng sarili nating buhay. (naks! Ayan ka naman, pati pagsusugal idinamay mo na sa mga kwento mo). Kailangan nating tanggapin ang bawat barahang ibinibigay sa atin. Pero kapag hawak mo na ang mga barahang ‘yun, nasa sariling desisyon mo na, kung paano mo ito lalaruin para manalo ka. Minsan, wala sa ganda o pangit ng barahang hawak mo ang susi para manalo ka. Nasa diskarte mo. Pero hindi din lahat ng pagkakataon na nananalo ka dahil  magaling ang diskarte mo, minsan dahil sa kapabayaan na din ng mga kalaban mo.

Ang pinaka madalas na pagkakamaling nagagawa natin sa mesa habang nakikipaglaro ng tong-its, ay ang maliitin ang kakayahan ng kalaban natin. Ganyan din sa totoong buhay. Underestimate. Akala mo kayang kaya mong talunin ang mga kalaban mo. Akala mo yung hawak mong baraha na ang pinaka maganda. Akala mo magtitiklop sila ng baraha kapag nag-bet ka na.
Sa tingin ko, ang tong-its ang pinakamalapit na larong maaaring ihalintulad sa totoong buhay (susme at talagang pinangatawanan). Dahil kailangan natin ng matinong pag-iisip (meron ka ba nun?). Kung saan kaya nating pangibabawan o talunin ang tinatawag na tadhana o pagkakataon. Hindi natin hahayaang mangyari na lang ang isang bagay ng basta-basta. Kailangan din nating pag-isipang mabuti. Sa madaling salita, hindi mahalaga kung ano ang nangyayari, mas mahalaga kung paano natin iisipin kung ano ang mangyayari.

 Sa ayaw natin o sa gusto, malalaman natin ang totoong katauhan ng isang tao kapag nakaupo na siya sa mesa para maglaro ng tong-its. Kung sa tingin mo na nababasa ng mga kalaro mo ang iniisip mo, sarili mo lang ang dapat mong sisihin. At kung ganun nga, matatalo ka na sa paglalaro mo, talo ka pa sa totoong buhay.



Maraming nagtatanong kung madali lang ba maglaro ng tong-its. Maari mong matutunang laruin ang tong-its sa loob lang ng isang araw o ilang oras. Pero buong buhay ang kailangan mo para laruin ng tama at maayos ang larong ito. Sa bawat araw na dumadaan sa buhay mo, pumupusta ka. Lumalaban ka. Kung matatakot ka lang sa blap ng kalaban mo, talo ka. Dapat marunong kang lumaban at makipaglaban. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka pwedeng umatras. Umatras ka ng hindi dahil sa natatakot ka. Umatras ka kung kinakailangan.

Ang mahirap lang sa ganitong klaseng laro, walang gustong umayaw kapag natatalo dahil gustong makabawi hangga't may natitira pang pangpusta (may kasamang gigil pa). Pero, kapag naman ikaw na ang nananalo, ayaw naman nila na umayaw ka (sasabihan ka pang madaya).


Kaya ikaw! Oo, ikaw nga... magtapon ka na ng baraha... kanina ka pa nakatunganga eh... tagal...

3 comments:

  1. Replies
    1. Salamat po sa pagtambay sa tong-itan..😊
      God bless..

      Delete
  2. Question,. sa Tong its with Joker
    Senario,.
    Lahat ng kalaban meron ng bahay,.
    ikaw namn ay wala,. lahat ng baraha na hawak mo ay may dalawang joker. sympre hindi mo pwding ibaba ang joker.
    lahat ng barahang hawak mo ay,. naubos na sa kaka Sapaw sa dlawang kalaban,. matatawag bag tong it kana kung dalawang joker nlng at isang cards ang hawak mo,. kahit wala kang bahay. case na kasi yan,

    ReplyDelete