Monday, November 25, 2013

MY EX



“Sa pag-ibig, kahit na masaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga marunong kang “maglaba” ng tapat... hindi takot “mamalantsa”... dahil ang tapat na “magsaing” ay may katapat na... tunay na kanin...”

Kung bakit kasi yan pa ang naisulat kong title dito sa papel na hawak ko. Hirap tuloy akong magkwento sa nakaraan lalo na kung ang usapan ay hiwalayan... Inihaw, i’ll make it short na lang para naman di kayo ma-bored sa pagbasa.

Hindi pala talaga nasusukat sa haba ng pinagsamahan ang tibay ng relasyon. Lalo na kung distance ang problema. I’ll say yan ang reason kaya kami naghiwalay ni EX. Idagdag pa kanyang pagka-selosa. Na may “other” daw ako, na wala naman talaga. Totoo yun... Honest ako ehh...

Communication is effective pero hindi sa taong sarado ang pag-iisip. Nakatanggap na lang ako ng letter one day galing sa kanya. Hindi raw niya kaya na nasa malayo ang “love” niya. Dahilan para sagutin ang kanyang persistent suitor. Natulala ako... laglag ang balikat... sabay tulo ang luha... Ouch! Break-up... Broken-hearted... Chinorva sabay goodbye...

Masakit, sumisikip ang dibdib... Kahit siguro bigyan ako ng isang baldeng pain reliever, di eepek. Feeling alone and lonely, walang bumi-baby... Naisip ko na lang, mali siguro ang magmahal ng maaga. Bihira naman talaga ang nagtatagal, sangkatutak ang problema. Sana nag-enjoy na lang ako sa panonood ng cartoons kesa nagmahal na humantong din sa hiwalayan...

Matagal na yun, akala ko ang sugat hindi na maghihilom... Naka move-on na ako ngayon. Katunayan kahit siguro sa pag-ihi, hindi na kikiligin... Chos.

Masasabi ko na lang: “Hindi man sya naging pang-lifetime na gitara ko, naging musika naman siya minsan sa buhay ko...”

No comments:

Post a Comment