May nakikinig ng
ROCK, may nakikinig ng HIPHOP, may nakikinig ng RNB at may CLASSIC. Ako, trip
ko ay mga love songs mapaluma man yan o bago. Wag naman yung lumang-luma. Basta
love songs. Walang pakealamanan, kanya-kanyang trip lang. Kung wala kang kilala
sa playlist ko wag mong sabihing korni. Engot, di lahat ng tao gusto ang hiphop
at rock. Kanya-kanyang taste lang yan. Aminado ako, iba-ibang genre ang nasa playlist ko at kaunti lang ang rnb,
ayoko maki-uso eh.
Hindi mainstream, hindi pang-uso, hindi Bruno Mars
ang mga pinapakinggan ko. At wala akong hilig sa mga kanta ng Beatles lalo na
ang kantang Besame Mucho. Tanginang Besame Mucho yan... Hindi ako napapabilang
sa panahon ng mga magulang ko. Siguro ang Besame Mucho hanggang Green Green
Grass of Home, malamang yan ang pinapakinggan nila noong ginagawa ako.
Relate-na relate sila sa mga kantang yan. Naisip kong weird sila sa mga
pinapakinggan nila kasi luma. Parang kadiri, pero ‘yun ang uso nung panahon nila.
Kaya tanggap ko ang mga inaawit nila minsan sa bahay. Trip nila eh.
After ten to fifteen years, magkakaroon na rin ng
produkto ni Bruno Mars, Christian Bautista, Yeng Constantino at kung sino-sino
pa. Uso emo ngayon, kaya pag di na uso yan sa panahon ng susunod na henerasyon,
tayo na ang weird. Weird na ang mga pinapakinggan natin ngayon.
Imaginin mo ang iyong apo sisigaw ng “Ma, si lolo,
naglaslas na naman!”.
No comments:
Post a Comment