Nabalitaan ko ang nangyari sa
lumang skul building na kung saan ako nag-aral at nagtapos ng hayskul, ang Luna
National High School – Central. Central, as in sentro, sentro, oha-ha-ha?
Giniba na raw at kasalukuyang inaayos para gawing hospital. Hospital ng mga
manganganak. Nak-ng-pating paano na ang pangarap ko? (may pangarap ka ba, akala
ko wala?)
Kami ang huling batch ng graduating students sa skul na iyan. Na sa
aking pagtatapos, nagwish ako na sana wag i-abandoned at gawing eskwelahan uli.
Sayang kasi para sa mga batang mag-aaral na malapit ang tirahan sa eskwelahan
na ito. Lalo na ang pangarap kong maging guest speaker balang araw. (ngeh?)
Masama bang mangarap maging guest speaker lalo na sa pagtatapos ng mga
estudyante? Oo, inaamin ko, marami akong nagawa na kalokohan noon. Nandiyan ang
pagpa-uso ng ninja moves – itaas ang palda ng mga kaklase kong babae o di kaya
lagyan ng salamin ang sapatos para makaboso lang. Tuwing exam, kaya mataas lagi
ang marka, paano, pag kami ang nag-tsek ng aming test paper at mali ang sagot
ko, itatama ko. Sinabi kasing i-tsek hind i-ekis, nagawa ko lang yun dahil
masunurin akong bata. Nariyan din ang pagsusumamo ng aming practical arts
teacher na pumasok kami sa room, ano kami bobo? May ordinansa kaya ang skul na
“pag late, wag ng pumasok”, siya ang na-late eh, kaya naglaro na lang kami ng
basketbol sa labas...
Haay, tutal hindi na rin lang matutupad ang dream ko, ibabahagi ko na
lang dito ang sana’y magiging speech ko. Simple lang naman sana ang sasabihin
ko para hindi mabato ang mga ga-graduate.. Mga aral na natutunan ko sa buhay
(meron ba?).
Una, huwag mag-aasawa agad. Panira ng diskarte kung mag-aasawa ka na eh
wala ka pang trabaho. Hirap first, sarap later.
Pangalawa, sa buhay kelangan ng konting angas. Konti lang naman. Walang
magbubuhat sa sarili mong bangko kundi ang sarili mo din.
Pangatlo, tumulong sa magulang! Pag tumulong ka sa magulang mo, para ka
na ding tumulong sa bayan mo. Naks! Pang-slogan making contest ang dating noh?
At panghuli, pag may tiyaga may nilaga. Tiyagain mong magtapos ng
pag-aaral. Hindi mahalaga kung ano tinapos mo, ang importante may natapos ka.
Kahit sabihin mong ikaw ang pinaka-matalinong tao sa mundo kung wala ka namang
diploma, kailangan mong tanggapin ang katotohanan na mahihirapan kang maghanap
ng trabaho.
No comments:
Post a Comment