Saturday, November 30, 2013

RONG TOT

May mag-like pa kaya if ibang tema na ang i-post ko dito? Yung tipong pang MMK ni ate Charo. Sa tingin mo? Oo, ikaw tinatanong kita. Ikaw na nagbabasa nitong post ko.

Malamang din hindi mo na ituloy ang pagbasa sa kwento, emo kasi ang dating ng intro eh.  Malamang ang nasa isip mo, makaka-sira lang sa maganda mong mood sa mga oras na ito ang ise-share ko. Titulo pa lang iba na ang dating. Naisip mo siguro na tiyak non-sense uli ang post na ‘to. Lagi naman eh, kelan ba nagkaroon ng sense ang bawat post ko?

Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit yan ang titulo. Bigla na lang kasing umilaw ang bumbilya sa ulo ko. Epekto yata ng pagkakaroon ng pimples sa face sa edad kong ito. Langya. Ayan nakabigkas tuloy ng bad word. Kung nagkataon na may account din si ermat dito at friend ko, malamang magtataka yun kung anong nangyari sa anak nyang inalagaan sa tiyan at itinae ay palamura na pala ngayon. At sure akong ang comment nun ay “pinadakkel ka nga ubing a saan agsao ti dakes, tattan kasta ti aramid mon, ukinam”. 

Salamat sa pagbasa at pag-iisip why ganyan ang title...

May kapatid na kambal... Sina John at Jun... Sa kasawiang palad namatay ang asawa ni John kasabay naman nito ay ang pagkawala ng bangka ni Jun...
Isang araw bumisita si Jun sa lugar ng kanyang kapatid ng meron siyang nasalubong na ale... Napagkamalan siyang siya si John, sabi ng ale:

ALE: John nakikiramay ako...

Akala ni Jun na ang tinutukoy ng ale ay ang kanyang bangka...
Kaya...

JUN: Maraming salamat po.

ALE: Ano ba ang dahilan ng pagkawala nya?

JUN: Araw-araw ko kasi siyang ginagamit kaya kinakalawang na ang bandang              ibaba nya...

ALE: Ngak!!

JUN: Minsan din marami kaming gumagamit sa kanya.

ALE: Naku po!!!

JUN: Minsan din tatlo kaming sabay na gumagamit.

ALE: Waaaa!!!

JUN: Cguro ang dahilan talaga ng pagkawala nya ay noong pinahiram ko sa                    kumpare ko at pagkatapos nyang gamitin ay doon naman sa kanyang mga            tauhan.


ALE: Urggg!! (hinimatay)

No comments:

Post a Comment