Nakaka-gaan
lang talaga ng pakiramdam kapag nakakita ka ng magandang babae. (sinabi mo). Kahit sobrang bwiset ako sa
buhay kapag may nakakasalubong akong magandang babae ay nawawala na agad ang
inis ko. Mas ok pa nga kung hindi artista dahil nakaka-umay na yung mga mukha
nila. Palagi mo na lang kasing nakikita sa tv, magazine, billboards at iba pa.
Parang alak na redhorse, lakas tama. Parang yun ang way ni God para sabihin sa
‘yong totoo nga na may langit.
Iniisip ko pa nga minsan kung tao ba talaga yun, kung bakit sobrang ganda tapos nangingintab pa ang balat sa sobrang kinis. Lalo na’t hindi ako sanay makakita ng mestisahing itsura. Napapa-mura pa nga ako minsan eh, shet!
Minsan
naman nasasabi ko pa sa sarili kung babae ba talaga yun? Baka kasi bakla
mahirap ng magkamali. Kadiri naman kung mag-imagine ako sa kanya tapos malaman
kong may lawit din palang katulad ko, di ba? Wapak!
Hindi
lang naman siguro yung crush ko ang maganda. Meron din naman sigurong maganda
sa eskwelahang pinapasukan mo. Sa kumpanyang pinagtatrabahuan mo. O kahit yung
mga sales lady may mga magaganda rin dyan. Kailangan natin ng mga kagaya nila
sa oras ng kabwisitan. Thankful na rin ako minsan kung may nakakatabi ako sa
upuan sa loob ng jeep. Nakaka-relax lang sa biyahe lalo na pag nalanghap mo pa
yung amoy ng bagong paligo. Parang sabay lang kayo nag-shower kanina.
Sabihin
na nating maganda ang girlfriend o misis mo. Wala namang problema kung kaadikan
mo siya dahil sa ‘yo naman na yun eh. Pero wala naman sigurong masama kung
humanga ka sa ganda ng iba. Sa maraming magandang babae sa mundo eh. Dito pa
nga lang sa Pinas solb na ako. Andami ko na nakita at nakilalang magaganda.
Hindi ko man sila naging girlfriend lahat ay ok lang naman. The fact na
nabigyan ako ng pagkakataon na masilayan ang ganda nila, blessing ng matatawag
yun. Mga naging kaibigan ko pa, di ba saya. (ikaw
na)
In
doubt tuloy ako ngayon kung gagawan ko ba ng kwento ang babaeng ito. Mahirap
na. May mga lalaki kasing pag nakita nila yung crush mo eh nagiging crush na
rin nila. Walang ganunan. Bihira akong umamin na may crush eh. Yung iba minahal
ko agad.
Beautiful
face, check.
Sexy
body, check.
Malaki
ang boobs, hindi ko pa na-tsek.
Matambok
na pwet, lalong hindi ko ma-tsek.
Makinis
na balat, tsek na tsek.
![]() |
| beauty noh? ala snow white ang peg... |
Oo
I know, bagay kami. Pero taken na ako at kahit gusto ko syang gawing taken 2,
may jowa (tawag ko sa asawa) na rin
siya, foreigner. Matangkad, malaki ang biceps. Malaki ang manboobs. Malaki ang
binti. Malaki ang kita. Siguro malaki rin ang ano nya. At higit sa lahat, may
buhok sa dibdib. Ano naman ang laban ko dyan?
Kaya
eto isang hamak na tagahanga na lang ang bagsak. Nagbabakasakaling imbitahan
nya ako sa bertdey nya. haay… minsan magkikita rin kami… magpapa-picture ako ng
kasama siya. Magpapa-autograph pa ako. Magpapalitan ng celfon number at ia-add
ko siya sa fb account ko. Tapos magiging kami na. And the rest will be history…
hehe!
INXS:
Ang
gaan ng feeling (ano yan shampoo
commercial?) nung pumayag syang maging subject bilang entry ko dito.
Ahahaay... kinilig talaga ako. Know nyo na siguro ang feeling ng pinansin ka ng
crush mo. Chos! Eto na yata ang sinasabi ng karamihan na, umpisa ng the
beginning... lol!




