Ang alam ko sa pagpapatawa, hindi ‘yan pinipilit, kusang lumalabas
‘yan – parang utot lang na out of the blue biglang lumalabas ng sunod-sunod.
Masarap makipagpalitan ng punch lines kung sa mga kabarkada mo din lang. Pati
na din ang makipagbiruan sa lovey dovey mo. But of course ang mapa-smile ko
kayo mga gwapa at gwapong mga “who am i” na mga kaibigan ay malaking bonus na
para sa akin.
Kung iniisip mong nakakatawa ka, nakakatawa ka talaga. Mind trick lang
ang lahat ng bagay. Kung natatawa ka sa ‘kin, isang optical illusion lang
talaga ang lahat, may malawakang hypnosis na nagaganap at isa ka sa mga nabiktima.
Ang totoo, seryoso talaga akong tao. Wala nga lang gustong sumeryoso sa
kin. Wala naman akong balak pumik-ap ng tsiks. Wala naman akong ibang dahilan
kaya ako nagpapatawa kundi gusto ko lang makitang nakangiti ka. Wala din akong
hilig sa mga pick-up lines para i-share sana sa inyo. Hindi ako ganun eh. Mga
babae pa nga minsan ang nagsasabi nyan sa akin. Gaya ng “ Jeff eksyusmi, kahoy
kasi ako, pwede mo ba akong sibakin?”. (“AIRCON” ka na naman.)
Sense of humor? Oo, natural na sa akin dahil lalaki ako. Kaya nga ako
binigyan ng dalawang itlog na kakalog-kalog eh para pagtawanan ang aking sarili
paminsan-minsan. So true din na mahilig ako sa jokes lalo na sa sex jokes. Ako
lang ba? Weh? Gawa kasi ako sa sex kaya ganoon ako, ikaw ba? Hindi naman sa
binabastos ko ang sex. Ang sex para sa akin ay isang sagrado o banal na bagay.
Kaya nga sa tuwing ginagawa ko yun, ako’y napapa-aleluya.
Pero mas bilib ako sa mga babae. Sila ang sahog sa aking walang
kakwenta-kwentang buhay. ( Ikaw ‘pre ganun din ba pananaw mo?). Masasabi kong
sila ang may malupit na sense of humor. Bihira silang marinig magbitaw ng punch
lines pero sagad sa boneless-bangus pag bumanat. Tatahi-tahimik lang pero nasa
loob ang kulo.
Mahilig akong magkwento. At sa bawat kwento ko, hindi ko maiwasan na
lagyan o haluan ng konting kwela. Nagsawa na kasi ako sa mga maseryosong
usapan. Makatotohanan ang mga kinukwento ko pero kadalasan, hindi na mukhang
totoo dahil sa paraan ng pagkakakwento. Nilalagyan ko ng nakakatawang
pangungusap pero sa huli, nararamdaman pa rin ninyo ang pagkaseryoso ko. (Asa
ka pa). Hindi ako makakapag-isip ng isang biro kung hindi ito nanggaling sa
isang totoong pangyayari o kaganapan sa buhay ko. Naks!
Sa lahat ng sinabi ko sa itaas, ito ang pinakatotoo. Ang biro ay
napakaseryosong bagay pero ang pagtawa ang pinakamatinding depensa mula sa
pinakamaliit na problema.
No comments:
Post a Comment