Kite sa
ingles. Saranggola sa tagalog. Tabanog sa bisaya. Ul-law sa ilokano.
It’s so hard to make kwento kung katol lang ang almusal... Katol –
ginagamit namin minsan para pagdikitin ang plastic sa ginagawang saranggola
kung walang available na bahaw o lutong gaw-gaw.
Makikita mo kaming mga “ul-law” boys sa kabukiran tuwing sasapit ang
summer at tapos na ang anihan. Sa silong ng mga saging o kawayan madalas ang
tambayan. Gumagawa, nagpapalipad at nagkukulitan. Nagpapagandahan at
nagpapayabangan ng yari. Kung matayog ba o hindi. Na madalas napuputol ang pisi
dahil sa “kite fighting” na tinatawag. Pagpapawisan ka sa kahahabol sa
paibabang tabanog mo pag natalo.
Those were the days.. Gaya ng kite na matayog, minsan nangarap din ako
na kagaya niya. Sa paglipas ng panahon, hindi pala ganun kadali. Masasabi kong
ang pagiging matatag lang nakuha ko. Sa agos ng life, katulad ng ul-law,
napuputol ang pisi pag malakas ang hangin. O kaya nababasa pag naulanan na.
Bumababa sa lupa, sumasayad... Sayad, dyan ako naparami... lol!
My life, like my kite din dati. Simple. Payak. Madalas pa rin napapatid
ang pisi. Ganun pa man, pipilitin ko pa rin habulin sa pagbaba... Kukunin ko pa
rin kahit sumabit sa mga sanga... “It’s more fun in the pilapil” wika nga...
No comments:
Post a Comment