Friday, December 20, 2013

CRUSH

Nakaka-gaan lang talaga ng pakiramdam kapag nakakita ka ng magandang babae. (sinabi mo). Kahit sobrang bwiset ako sa buhay kapag may nakakasalubong akong magandang babae ay nawawala na agad ang inis ko. Mas ok pa nga kung hindi artista dahil nakaka-umay na yung mga mukha nila. Palagi mo na lang kasing nakikita sa tv, magazine, billboards at iba pa. Parang alak na redhorse, lakas tama. Parang yun ang way ni God para sabihin sa ‘yong totoo nga na may langit.

Iniisip ko pa nga minsan kung tao ba talaga yun, kung bakit sobrang ganda tapos nangingintab pa ang balat sa sobrang kinis. Lalo na’t hindi ako sanay makakita ng mestisahing itsura. Napapa-mura pa nga ako minsan eh, shet!

Minsan naman nasasabi ko pa sa sarili kung babae ba talaga yun? Baka kasi bakla mahirap ng magkamali. Kadiri naman kung mag-imagine ako sa kanya tapos malaman kong may lawit din palang katulad ko, di ba? Wapak!

Hindi lang naman siguro yung crush ko ang maganda. Meron din naman sigurong maganda sa eskwelahang pinapasukan mo. Sa kumpanyang pinagtatrabahuan mo. O kahit yung mga sales lady may mga magaganda rin dyan. Kailangan natin ng mga kagaya nila sa oras ng kabwisitan. Thankful na rin ako minsan kung may nakakatabi ako sa upuan sa loob ng jeep. Nakaka-relax lang sa biyahe lalo na pag nalanghap mo pa yung amoy ng bagong paligo. Parang sabay lang kayo nag-shower kanina.

Sabihin na nating maganda ang girlfriend o misis mo. Wala namang problema kung kaadikan mo siya dahil sa ‘yo naman na yun eh. Pero wala naman sigurong masama kung humanga ka sa ganda ng iba. Sa maraming magandang babae sa mundo eh. Dito pa nga lang sa Pinas solb na ako. Andami ko na nakita at nakilalang magaganda. Hindi ko man sila naging girlfriend lahat ay ok lang naman. The fact na nabigyan ako ng pagkakataon na masilayan ang ganda nila, blessing ng matatawag yun. Mga naging kaibigan ko pa, di ba saya. (ikaw na)

In doubt tuloy ako ngayon kung gagawan ko ba ng kwento ang babaeng ito. Mahirap na. May mga lalaki kasing pag nakita nila yung crush mo eh nagiging crush na rin nila. Walang ganunan. Bihira akong umamin na may crush eh. Yung iba minahal ko agad.

Beautiful face, check.

Sexy body, check.

Malaki ang boobs, hindi ko pa na-tsek.

Matambok na pwet, lalong hindi ko ma-tsek.

Makinis na balat, tsek na tsek. 

beauty noh? ala snow white ang peg...
Oo I know, bagay kami. Pero taken na ako at kahit gusto ko syang gawing taken 2, may jowa (tawag ko sa asawa) na rin siya, foreigner. Matangkad, malaki ang biceps. Malaki ang manboobs. Malaki ang binti. Malaki ang kita. Siguro malaki rin ang ano nya. At higit sa lahat, may buhok sa dibdib. Ano naman ang laban ko dyan?

Kaya eto isang hamak na tagahanga na lang ang bagsak. Nagbabakasakaling imbitahan nya ako sa bertdey nya. haay… minsan magkikita rin kami… magpapa-picture ako ng kasama siya. Magpapa-autograph pa ako. Magpapalitan ng celfon number at ia-add ko siya sa fb account ko. Tapos magiging kami na. And the rest will be history… hehe!



INXS:
Ang gaan ng feeling (ano yan shampoo commercial?) nung pumayag syang maging subject bilang entry ko dito. Ahahaay... kinilig talaga ako. Know nyo na siguro ang feeling ng pinansin ka ng crush mo. Chos! Eto na yata ang sinasabi ng karamihan na, umpisa ng the beginning... lol!

Wednesday, December 18, 2013

A-DAY

Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas simula nang umpisahan ko ang blog kong ito. Pero kung mapapansin nyo, bihirang-bihira kong mabanggit si Dessa (bebeko) dito. (Naks! Para ka namang may masugid na tagasubaybay).
After almost 7 months of on and off relationship, napag-desisyunan naming dalawa na magpakasal on our own, kasama ang ilang piling kunsintidor na mga kaibigan (salamat sa inyo). That was 17 years ago to be exact on this day. Opo, 17 years na kaming kasal ngayon at awa ng Diyos hindi pa nya ako isinasauli sa amin. Hopefully ay hindi dumating ang araw na iyon, bagamat she has one thousand and one reason to do that.
Inaamin ko, hindi ako naging mabuting asawa sa kanya. Malimit kaming magtalo sa maraming bagay. Tuwina’y mga kahinaan nya ang aking mga nakikita at naging bulag ako in my own weaknesses. Sinisisi ko sya sa maraming bagay na ang totoo nama’y ako naman madalas ang may sala. Dumating pa nga ang taym na halos hindi kami mag-usap kaya’t sumusulat na lang sya sa akin. Isang makabagbag damdaming tatlong pahinang sulat. Tuwing binabasa ko yun ngayon, it reminds me na hindi ako naging mabuting asawa.
That was yesterday... Tinuldukan ko na ang paniniwala sa pangako ng isang madayang ilusyon.
Ngayon ay nagsisikap akong maging isang mabuting asawa. Wala akong hangad ngayon kungdi mapaligaya ang aking mag-iina, ang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Bagama’t hindi gaanong maginhawa ang aming buhay sa ngayon, titiyakin ko namang patungo kami doon. Sana...
Through the years, when everything went wrong
Together we were strong, i know that i belong right here with you...
Through the years, i never had a doubt, we’d always work things out
I’ve learned what life’s about, by loving you...
Through the years...
Kaya bebeko, (huwag mo muna akong isauli sa amin) kumapit ka lang maigi at marami pa tayong mga along kakaharapin sa ating paglalakbay. Ikaw rin, nag-iisa lang ang kyut na Jefferson sa mundo... hehe!

Happy 17th wedding anniversary sa atin! Plok!
effortless surprise for her
INXS:
Sayang di na-capture yung moment habang ginagawa ko ang surprise na yan sa kanya. (effort mo lang, hehe!). Maliit na effort lang yan kumpara sa ibinigay na effort sa akin ng bebeko all this year. Tagaktak ang pawis ko habang inaayos ang fav nyang chocolates sa box. Anytime soon kasi, magigising na sya at gusto ko na pagmulat ng mga mata nya eh may mabungaran man lang syang ganda sa araw na ito (ahahaay... kinilig ako dyan). Hindi ko rin alam kung kinilig din ang may-ari ng flower shop habang ginagawa ko yun, napapa-ngiti kasi eh (hindi kaya sa dala-dala mong nakasupot na tig-25 coins pambayad sa flowers?). Malamang yun siguro, lol! Worth it naman siguro ang effort ko base sa pics sa taas noh? (really indeed, yo d man!).

Tuesday, December 10, 2013

SHOES

Lumipas ang ilang araw at ulan. Napansin ko may wrinkles na pala ang aking lumang sapatos. Panahon na siguro para palitan. (ang tanong eh, may pera ka bang pambili?) Meron naman. Anong ginagawa ng mga iyan. (see below syempre).
kasya na siguro mga 'to pambili
Naiinip na kasi ako sa kahihintay ng ipapadala kuno ng mga ka-tropa ko. (asa ka pa kasi na meron, hanggang drawing lang yata mga yun eh?) Hindi naman. Siguro busy lang sila kahahanap ng babagay sa akin. Alam nila kasing pihikan ako pagdating sa sapatos. Ang style and the color. (ang arte?) Basta ganun.
Napadpad ako sa megamall kahapon. Wala lang, nautusan lang. Muntikan ko ng bilhin yung indoor foorball shoes na nakita ko. (naks! yabang! hindi ka naman naglalaro ng football ah?). Trip ko kasing maging member ng Phil. Azkals. Tapos kaibiganin ko ang Younghusbands para maging ka-close ko si Angel Locsin. Hindi naman masama siguro yun noh? (engot, wala na sila ni Phil). Ganun ba?
Napadaan ako sa Nike free running shoes section. Wala akong nagustuhan. Wala rin masyadong dating sa akin ang mga basketball shoes. Kahit sabihin pa nating signature shoes yan ni Kobe, Lebron, Pacquiao, Jordan at iba pa. Hindi naman na ako naglalaro ng basketball. Semi-retired na ako dyan. Bukod sa mahal ang presyo eh pangporma ko lang naman pagpasok sa opis gagamitin, sayang lang... (aysus, can't afford 'kamo, ugok!).
Tumingin din ako sa Adidas, Reebok, Converse, Fila at sa iba pa na alam kong worth it ang ibabayad ko. On the average, tumagal lang ako ng 40 seconds sa bawat store. Matagal na yan dahil pinasadahan ko lang naman ng tingin ang bawat naka-display. Wala rin akong nagustuhan. Kaya umuwi na lang ako after makuha yung pinabili ng boss ko.
Kinagabihan, sinubukan kong magbukas ng fesbuk. Syempre source din yan sa lahat ng bagay. Andaming nagkalat na advertisement dun eh. Saka pag minsan, makakakuha ka rin ng tips sa mga friends mo doon. Kagaya kung saan may masarap na kainan, kung anong magandang celfon. Kung saang place magandang pasyalan, kung paano nadisgrasya si idol Paul Walker and so many other things na may kinalaman sa layf mo. May nakita naman akong status update ng friend ko patungkol sa bagong sapatos. Kung gaano kakumportable sa paa pag suot na ang sapatos na 'to. May credibility din naman ang taong ito, dahil sa pagkaka-kilala ko sa kanya, pihikan din at may kaartehan sa mga gamit. Ultimo brip nyan ay branded. Yung tipong 2,000 pesos isang piraso. Kaso bagsak din ang presyo, este ang bulsa ko sa sobrang mahal... kaya wala din.
Demet! Wala talagang mabili ng sakto lang sa budget. Wala naman akong kakilalang may credit card para maki-ride man lang sana. Kaya napagtripan ko na lang uli na dikitan ng glue ang shoes ko. Sa tingin ko, kaya pa naman makipag-sabayan ng tibay sa mga fun run o takbo para sa kung ano yan? Wala na bang ganun? Pwes, iniimbitahan ko kayo sa gaganaping "Run for fun: Naked Mile Edition". Syempre mananakbo tayong nakahubo at suot lang ang ating mga running shoes para naman hindi magka-paltos ang mga paa natin. Tingnan natin kung sino sa atin ang may malakas pang resistensya. At syempre, walang takipan ng mukha para magkaalaman na kung sino ang hindi nagshe-shave... Kamon, let's do this! 

Monday, December 9, 2013

GAPE BY A JOKER


Malamang kung ikaw ang makakapuna, matatawa ka na lang ng wala sa oras katititig sa akin habang nakatunganga. Siguro'y iniisip mo kung ano ang iniisip ko habang nakatanga sa kawalan.

Kung minsan kasi bukod sa pagtunganga ay pati ang kamay, paa at ibang parte ng katawan ko ay gumagalaw ng kusa na hindi ko namamalayang nakakatawa na pala. Ang masaklap pa nun, nagbubulong-bulungan na pala ang mga taong nasa paligid ko ay siyang-siya pa ako sa aking ginagawa.

Minsan naiisipan kong kamutin ang ilong ko. At dahil napa-shoot sa butas ay itutuloy ko na sa pangungulangot. Pangungulangot na nauuwi sa masayang pagsungkit sa dumi ng aking ilong.

Kamot dito, kamot doon. Hindi ko na halos alam kung saan ang makati. Sa paghahanap ko kung saan, pati mga parteng hindi dapat kamutin in public ay hindi ko namamalayang kinakamot ko na pala.

Nandiyan din yung tawa ng tawa. Kung makahagalpak, wagas. Paano lumilipad ang isip. Sa sobrang paglipad pati puwet ng mga nagdaraan napapansin na rin. Sa sobrang pag-iisip ng kung anu-ano, nagreresulta sa bigla kong pag-ngiti. Buti na lang walang kasabay, pag nagkataon matatawag akong may tililing.

Kawawang mga kuko. Pudpod na lahat kinikitkit pa din. Maigi na din siguro para mabawasan ang food crisis sa bansa. Tutal mabilis tumubo ang kuko. At kung maka-kuyakoy, daig ko pa ang lindol. Umuuga na pala ang paligid ko, hindi ko pa alam. Pag naman naiinip, madalas ito ang aking ginagawa - nakaupong mag-isa, nakatingin sa kawalan. Biglang napapahawak sa buhok. Maya-maya'y parang unggoy, kinakapa kung may lisang dumikit sa mga buhok kahit kalbo na.

feel na feel noh?
At kapag nanunuod ng TV, enjoy na enjoy... sa sobrang enjoy, di ko na namamalayang ang bibig ko'y bukas pala. Kaya naman ang mga lamok at alikabok, enjoy din sa pagpasok sa bibig ko.

At dahil walang magawa, inip na inip ako ngayon. Sa sobrang inip ay inaantok na. Nahikab na ng pagkalaki-laki... punit na punit. Tapos eto na, nagtatanggal na ng muta, iniisip na baka may napasamang konting luha sa paghikab...

Saturday, December 7, 2013

LOVE STORY

Inlab ba ako? (lagi naman). Bakit kasi yan ang title eh December naman. Hindi naman araw ng mga puso. Di kaya epekto lang ng nalalapit na anniversary namin ng bebeko kaya kung anu-ano na lang naiisip isulat habang nakatunganga sa kalawakan ngayong gabi. (excited ka lang 'kamo, ungas)

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento sa buhay. Ke snatcher, pugante, pari, oldies, and even vendor sa kanto, tiyak meron. Normal naman sa tao yung nagmamahal at nabubuhay para magmahal. Sinungaling lang ang walang makwento sa lovelife... Kasi nga, wala namang tao ang tumitigil magmahal. Napapagod meron! Pero kapag nakapag-pahinga na... sabak na uli. Come to think of it, paano mo mahahanap yung taong kapartner mo kung sa bawat sakit na mararanasan mo eh suko ka na agad?

Sabi ng iba, wasak na wasak... sagad to the bones! So true, di sapat na mahal mo ang isang tao para maiwasan mo siyang saktan. Kasi dumarating talaga sa punto na kahit gaano mo siya kamahal ay masasaktan mo pa din. Tao ka lang naman kasi eh! Hindi ka rebulto, este santo pala. Lalo na hindi ka anghel. Kasi nga sa una lang daw masaya. At habang tumatagal lalo kang napapamahal. At habang lumalalim ang love na 'yan ay siya ring dahilan kung bakit it hurts yo nuh (slang lang, tama kaya?).

Sa una, wagas kung makapanligaw... unlimited ang text and call. I do admit nung nauso ang celfon isa ako sa na-stack sa word na "kumain ka na?, ingat ka po, i love you, nu gawa u?"... Minsan ise-save ko na lang sa drafts para di ko na ita-type ulit, know you naman me tamad (smile). Eh everyday kong litanya yan, ikaw ba hindi?

Yung iba ligaw-ligaw sa una... nungka, pagnanasa lang pala, nyeta! After that gone the wind epeks na. Iiwan ka para sa pansariling kapakanan. Minsan sinasabi, i need time. I need space. I need this for my own. (haha! relate) chos! Hindi ako ganun. Ang taym ko eh para lang sa bebeko. Hindi ako swapang sa oras. Nalulon ko kasi yung relo ko dati kaya marami akong unlimited taym. Gusto mo bahaginan kita eh... (naman)

May iba naman torn between two lovers... feeling like a fool ang drama. Di daw maiwasan kasi normal sa taong naghahanap ng kalinga, yung kalingang gusto niya eh nahanap nga lang sa iba. May mga cheap thrills. Mayroon ding lasting and eventually developed. May mga one and only... first and last! Timang na lang ang natitirang nangangarap ng fairytale. Nu ka teenager?


May mga tao ring pinapait na ng love kuno... pinatigas, ginawang bato. Pero nung maging single ayan na naman. Susugal sa pag-ibig sa kakarampot ng kaligayahan. Luka noh? Ganun yata talaga. Kung alin ang siyang pinaka-masarap maramdaman ay siya namang kayhirap namnamin kapag nasasaktan.

Know what, natututo ka naman tuwing may dumadaang mali eh. Yun ay kung nalaman mo kung saan ka nagkamali. Pero kasi, kahit every year ka pang may matutunan sa love, hindi mo pa rin maperpek. Ibig sabihin lang di dapat pinag-aaralan yun, shunga.

Sabagay may naze-zero...may almost there... almost perfect. Almost lang, never been perfect. Kapag kasi aasa ka kay destiny... eh sino nga ba si destiny? Nakita mo na ba siya? (even i hindi ko siya kilala). Si destiny ay stupid reason to do nothing. Still, love is an effort. Endless efforts... timeless effort. Hindi pekeng effort at lalong hindi pakeffort (pakipot) para hindi ka ma-effort-an sa ulo...

Thursday, December 5, 2013

ANNIVERSARY

"Remember when we vowed the vows and walked the walk
  Gave our hearts, made the  start, it was hard
  We lived and learned, life threw curves
  There was joy, there was hurt
  Remember when..."

December na pala, parang kelan lang at eto napapailing na lang bigla. Paano anniversary na uli namin ng bebeko. (tawagan parang mga bagets lang eh noh, ew!) Nakiki-uso lang, ikaw naman, hehe! Naalala ko dati may taym na hindi ako magkanda-ugaga sa pagbitbit ng roses in a box sa matipuno kong braso pag sapit ng date na 'yan. (need talagang i-mention ang matipuno for cinematic epek) chos! May taym rin na muntikan ko ng ibigay yung bulaklak na hawak ko sa magandang babae na nakasabay ko sa jeep. Know you naman me, hilig beautiful... naks!


bebeko n me
December. Peak season ng mga buntis, ehek! Napansin ko lang, dami kasi akong nakasalubong na juntis kanina galing opis eh. Month din ng hanapan ng bf/gf. Parang hindi ka "in" pag wala ka niyan. Kagaya kanina, may nakasalubong akong babae na may bitbit ng isang bouquet ng calachuchi. Sosyalin. Ikaw na ang may galante at may thoughtful na boyfriend. Meron din guy na may bitbit na bulaklak at naghahagilap ng address ng opisina ng gf niya. Surprise siguro ang dating. Haay, hindi ko talaga maiwasang hindi matawa eh. Naisip ko kung ganoon din ba ako dati?

Oo nga, ganun din pala ako. Mas malala pa. Bakit kamo? Paglabas na paglabas ko from office, when i'm still working at Makati in a grave yard shift skedyul, aysus ginoo, diretso na ako sa flower shop. Magbubukas pa lang sila, nandun na ako. Syempre para bumili ng mga yun for my lovey-dovey. Tapos ini-aabot sa kapatid nya early in the morning while she's still sleeping. Hanep noh? Imagine mo na lang itsura ko while having those flowers in my arms early in the morning. Astig di ba?

Minsan naman if tight ang budget, sweet beans na lang naibibigay. If medyo galante, may anniversary card, chocolates at kung anu-ano pang materyal na bagay na hahaluan mo ng mga pambobola para maaya mo siyang makipag-ano pagkatapos ng dinner. Nakakatawa talaga eh. Effort kung effort. Magbibigay ka ng flower para patikimin ka ng flower. Bibigyan mo sya ng chocolates, para ganahan syang kainin ka. Gagandahan mo ang bihis mo, para maatat syang hubaran ka. Give and take lang yan, di ba?

This time, malamang walang mangyayari. Walang pera eh. Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyong bente pesos na lang laman ng wallet ko ngayon at need kong antayin magkalaman ang ATM ko para lang makauwi. Ganyan ako kadukha sa panahon na 'to. Walang flowers, chocolates o kahit man lang sana crispy chicharon, wala din. Pero hindi naman ako malungkot. Hindi naman ako babae eh. Obviously, wala akong kunsensya. Joke! I'm sure mapapansin ng jowa ko ang mga ganyan. Sabihin na nating biro pero malamang half meant na nag-eexpect sya na meron akong surprise on dat day. Demet! Need ko tuloy bumawi. Ang hirap talaga manghula ng mood ng babae.

Sana lang kasya yung naipon kong mga tig bente-singkong barya sa bahay pambili ng bulaklak. Sana hindi na overpricing ang mga iyon wen taym kams. At ang pinaka, sana lang hindi dinuguan ang kakainin ko sa araw na iyon...

Saturday, November 30, 2013

TONG-ITS

Baraha. Sugal. May araw na minamalas. May araw namang swerte. At kahapon, ang araw ng malas. Bokya.
happy kasi maliit lang ang taya eh, 'lam mo na poor lang kami...
Ang paglalaro ng tong-its ay parang paglalaro din ng sarili nating buhay. (naks! Ayan ka naman, pati pagsusugal idinamay mo na sa mga kwento mo). Kailangan nating tanggapin ang bawat barahang ibinibigay sa atin. Pero kapag hawak mo na ang mga barahang ‘yun, nasa sariling desisyon mo na, kung paano mo ito lalaruin para manalo ka. Minsan, wala sa ganda o pangit ng barahang hawak mo ang susi para manalo ka. Nasa diskarte mo. Pero hindi din lahat ng pagkakataon na nananalo ka dahil  magaling ang diskarte mo, minsan dahil sa kapabayaan na din ng mga kalaban mo.

Ang pinaka madalas na pagkakamaling nagagawa natin sa mesa habang nakikipaglaro ng tong-its, ay ang maliitin ang kakayahan ng kalaban natin. Ganyan din sa totoong buhay. Underestimate. Akala mo kayang kaya mong talunin ang mga kalaban mo. Akala mo yung hawak mong baraha na ang pinaka maganda. Akala mo magtitiklop sila ng baraha kapag nag-bet ka na.
Sa tingin ko, ang tong-its ang pinakamalapit na larong maaaring ihalintulad sa totoong buhay (susme at talagang pinangatawanan). Dahil kailangan natin ng matinong pag-iisip (meron ka ba nun?). Kung saan kaya nating pangibabawan o talunin ang tinatawag na tadhana o pagkakataon. Hindi natin hahayaang mangyari na lang ang isang bagay ng basta-basta. Kailangan din nating pag-isipang mabuti. Sa madaling salita, hindi mahalaga kung ano ang nangyayari, mas mahalaga kung paano natin iisipin kung ano ang mangyayari.

 Sa ayaw natin o sa gusto, malalaman natin ang totoong katauhan ng isang tao kapag nakaupo na siya sa mesa para maglaro ng tong-its. Kung sa tingin mo na nababasa ng mga kalaro mo ang iniisip mo, sarili mo lang ang dapat mong sisihin. At kung ganun nga, matatalo ka na sa paglalaro mo, talo ka pa sa totoong buhay.



Maraming nagtatanong kung madali lang ba maglaro ng tong-its. Maari mong matutunang laruin ang tong-its sa loob lang ng isang araw o ilang oras. Pero buong buhay ang kailangan mo para laruin ng tama at maayos ang larong ito. Sa bawat araw na dumadaan sa buhay mo, pumupusta ka. Lumalaban ka. Kung matatakot ka lang sa blap ng kalaban mo, talo ka. Dapat marunong kang lumaban at makipaglaban. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka pwedeng umatras. Umatras ka ng hindi dahil sa natatakot ka. Umatras ka kung kinakailangan.

Ang mahirap lang sa ganitong klaseng laro, walang gustong umayaw kapag natatalo dahil gustong makabawi hangga't may natitira pang pangpusta (may kasamang gigil pa). Pero, kapag naman ikaw na ang nananalo, ayaw naman nila na umayaw ka (sasabihan ka pang madaya).


Kaya ikaw! Oo, ikaw nga... magtapon ka na ng baraha... kanina ka pa nakatunganga eh... tagal...