Monday, November 25, 2013

HILIG KO AY LIBRE


“Da best way to a man’s hart is thru tiyanda romero.”

Di naman masama ang manlibre. Share your blessings ‘ika nga. Kapag may bertdey sa skul man o opisina need mo talagang gumastos, as in. Kapag pinalapang ang isa, palapangin lahat ‘ika nga. At baka ikaw pa ang masama.

Sino naman ang may ayaw sa libre? Lalo na kapag mey i bring along ka ng fud at super yaya to your fwends or opismeyt. Sure akong pag-aagawan ang dala mo ng mga patay gutom na gaya ko, libre eh! Bwuhahaha!!!

So true, hindi ako pihikan ng linalapokstra at madalas ako’y nakiki-apid sa ulam ng iba. Repost ko uli para intendiyes mo kung gaano ako kagarapal sa libre...

Lugar: Canteen, 3rd floor, Chatteu Verde Condominium, Valle Verde 1, Pasig City.

Ako: Magkano ang kanin nyo?
Tindera: Eight pesos
Ako: Yung tutong?
Tindera: Libre
Ako: Sige, tutong na lang. Yung gulay magkano?
Tindera: Twenty-five pesos
Ako: Yung sabaw?
Tindera: Libre
Ako: Sabaw na lang po
(Pagkatapos kumain).
Ako: May coke kayo?
Tindera: (Siguro naman bibili na ‘to). Meron, ten pesos
Ako: Bigyan mo nga ako ng isa. (sabay bunot sa bulsa). May tansan kasi ako dito eh, FREE COKE daw...

No comments:

Post a Comment