Gaya ng sinabi ko last tym, i’ll make this post a light one...
Alak ang alam kong pinakamasarap na inuming ginawa ng Diyos at
pumangalawa ang buko juice?
Kung may alak, may pulutan. Kung walang pulutan, dapat may
kwentuhan...na nangyayari lang sa akin yan kung dumalaw o kaya napasyal si
bilas Noli o si pinsan Andy. Pwera na rin kung magtext si tatay Boy para
lagukin ang red wine nya sa ref. Eto ang magandang kumbinasyon: alak at
kwentuhan. Do the math bro...di ba riot ang kasiyahan?
Kadalasan, kung hindi bertdey o binyag, pagluluksa sa pag-ibig ang
dahilan kaya may inuman. Mga simple at mabentang usapan sa “la mesa de
serbesa”. Kasama ang mga kaibigan o kata-gayan, adik man o mukhang magnanakaw.
Aber? Sinong nagsabi na masama sa health ang alak? Lalo na ang EMPERADOR
LIGHT? Alam nyo ba na ito ay:
E – pektibong
M – edisina
P – ara sa
E – ksema
R – ayuma
A – rthritis
D – iabetes
O – steoporosis at
R – ashes
Kaya ang payo ni pareng Jess;
L – aging
I – numin sa
G – abi
H – apon at
T – anghali
Ooops... tandaan, mahirap ang walang bisyo. Darating ang araw mawawalan
ka ng kaibigan. Buhay ka pa, patay na silang lahat...
No comments:
Post a Comment