“When you
can tell your story and it doesn’t make you cry, you know you have healed.”
Kagubatan. Yan ang title ng tula na ginawa ko para makapag-ambag sa
espasyo ng “The Gravel” – school organ o babasahin naming mga students noong
hayskul. First tym kong gumawa. Virgin ang pag-iisip kung baga. Pero in
fairness, okei naman ang kinahinatnan. Nasama sa printing ehh...hehe!
Sinundan ng greeting cards messages. Na ewan kung bakit ako sinopla ng
aming guro sa Practical Arts. Hindi raw ako ang may gawa. Nak-ng-tokwa! Sino pa
ba ang gagawa? Ang erpat ko na matagal ng desiperados? O si ermat na espanyol
lang ang alam? Joke! Ang masaklap pa nun, mas mataas pa ang marka ng kaklase ko
na sa akin nagpagawa... ganda ng twist noh, kaloka!
Later on, nag-send ako ng love letter sa pa-contest ng isang radio
station sa SFC, La Union. Subok lang, gusto ko lang ipahayag ang feelings ko sa
aking nililiyag. Tsamba mga ‘teh! Akalain mo, nanalo. Prize: skul supplies and
a movie tickets. Inulit pang magpadala ng entry, pina-abangan sa mga tropa,
kaibigan at sa sinisintang purorot. Bingo! Umulan ng confetti sa tuwa. Hindi na
tsamba, wagi talaga. Prize: skul supplies and a movie tickets plus ang sweet
“oo” ni beauty.
From that moment on, i made a promise to myself na gagawa ako ng love
letter only for her. Pag nakagawa ako ng one hundred by that time pwede ko na
siyang yayaing mag-settle down. Pero hindi nangyari, almost sixty pa lang
nalagot na ang nag-uugnay sa aming dalawa... Life of love talaga, kahit kelan
masalimuot...
Natigil na rin ako sa pagsulat. Naisip ko kasi parang may premonition
ang titulo ng una kong nilikha. Kagubatan. Masukal... matatayog ang puno... di
ako makalabas, sumisikip ang daan pabalik sa riyalidad ng buhay... haay!
No comments:
Post a Comment