Friday, November 22, 2013

MAN IN THE MIRROR

Lakas tama pagharap sa salamin. Insert kulog at kidlat sound epek para ma-emphasis na “kabog” ang dating. Sinisipat-sipat kung siya ay gising. Kinakausap ang nandun sa tokador, na gawa pa noong panahon ni McArthur.

Medyo kaakit-akit pag sideview. Tagilidgenic sabi ng mga kababata. Ewan kung bola lang nila o sadyang siya ay tanga. Sa harap kasi pang Lucky Me brand, yung flavour “krak-krak”. May inilagay pang pomada, sabay haplos sa kanyang bangs.

“Hirap maging pogi” patula pa nyang kanta. Nangangarap maging mang-aawit, sintunado naman. Nangangarap di pumanget, imposible naman.

Lakad dito, posing dun. Paminsan-minsan polo niya’y ina-unbotton. Parang music video ang peg. Ayaw padaig.

Feeling niya siya si Adonis sa kagwapuhan. At lahat ng tao pati hayop kaya daw niyang landiin. Katunayan muntikan na raw mamolestya ng isang bading, yabang nya sa mga kaibigan. Yun pala dala lang ng kalasingan.

Tingin sa sarili pang-model ang tindig. Pero kung iyong sisipatin, ika’y manginginig. Di naman macho, hawig lang niya palito ng posporo. Payat na payat, angat na ang balikat.


“Tiis-gandang lalaki lang ang puhunan at magkaka-chicks ka rin”, kanyang bulong. Pero sa repleksyon, frustration na yun. In ader words, missing link siya sa evolution.

No comments:

Post a Comment