Ano ba ang helmet? Ang helmet ay ang bagay na
nakatakip sa ulo na nagsisilbing proteksyon. Proteksyon sa pagka-baog este sa
pagkabagok. Kung isa kang lalaki, bata ka pa lang, mayroon ka na nito.
Naka-helmet pa ang ulo mo, sa ibaba. Mawawala lang ito kapag tuli ka na. Pero
hindi ito proteksyon sa iyong pagka-baog. At kapag nasa tamang pag-iisip ka na,
nagsusuot ka pa rin ng helmet. Yung helmet na nabibili kadalasan sa botika.
Para hindi ka makabuntis ng hindi inaasahan. Dahil hindi ka nga baog.
Helmet din ang tawag sa pagkaing nabibili sa
tabi ng kalye. Ulo ng manok na inihaw. Masarap ‘yun pero ang sobrang pagkain
nun ay hindi maganda sa katawan. Nakaka-baog. Hindi. (Ang kulet mo! Hindi nga
sa pagka-baog ang kwentong ito, eng-eng!). Hindi ko rin alam kung anong
masamang epekto ang sobrang pagkain ng helmet na yan. Masama daw. (‘Yan pa
mandin ang fav kong ulamin sa mga paninda ni Alice sa kanto). Kung ayaw mong
maniwala, sige kain ka pa. Basta ako binawasan ko na ang pagkain nyan. Minsan
kasi, alam mo na ang magiging epekto, patuloy mo pa ring gagawin ang
pinipigilan ng iba na gawin mo. Kasi naka-helmet ka. (Gaya ko). Hindi ka pa
natatauhan. Kahit iuntog na ang ulo mo, walang magbabago sa takbo ng utak mo.
Pero mabuti ba ang helmet para sa atin? Minsan,
may helmet talaga tayong need ng hubarin. Dahil habang suot-suot natin ang
helmet na ito, mananatili lang tayo sa paggawa ng mga bagay na alam nating
masasaktan lang tayo. Pero dahil nga suot natin ang helmet na ito, nababawasan
ang sakit na pwede nating maramdaman. Kaya ang nangyayari, hindi tayo
natatauhan sa nagawa nating hindi na tama. Uulit-ulitin lang natin na gawin
‘yun dahil nakakayanan natin ang sakit. At ang helmet na ito, ang ating
“katangahan”, “kamanhidan” at “kamartiran”.
Kung ayaw mong magsuot ng helmet, ayos lang.
Huwag kang magsuot. Kung gusto mo, sige lang magsuot ka. Simpleng problema lang
yan at yan ang simpleng solusyon. Pero alin man sa dalawa ang gagawin mo, ikaw
na ang bahalang magdesisyon sa susunod na problemang kakaharapin mo. Take the
consequences ‘ika nga nila.
“Kung gusto mong manatiling matalino, magsuot ka
ng helmet. Kung gusto mo namang maging matalino, hubarin mo ang helmet mo”.
Nakakalito di ba? Ayaw ko ng ipaliwanag, intendiyes mo na siguro mula sa
itaas...
No comments:
Post a Comment