Simpleng kaibigan.
Simpleng asawa. Simpleng ina.
Maniwala ka man o
hindi, sa isang aso pa kami nagkakilala. Funny isn’t it? Ipinakilala kami ng
dog niya sa isa’t isa (as in, naman). Naging magkaibigan, na kinalaunan nauwi
sa pag-iibigan.
Siya lang naman ang may hawak ng timetable ko - manager ika nga. Kailangan munang magpaalam, magtext o kaya tumawag sa kanya kapag may extra activities akong pupuntahan... kung hindi, memo abot ko... Chos.
Concerned citizen
minsan. Ayaw niya kasi na makitang health ay mapabayaan, kaya kapag ako’y sa
alak lango, tabo ang ipinapambato. Galit na yan kapag nanginig at unti-unting
natayo ang gitnang daliri niya sa kamay...(ooops, wag mo ng subukan, di maganda
tignan).
Pasalamat na lang ako
at hindi pa siya nauuntog. Dahil kapag nangyari yun, malamang talo ko pa si Hilda Koronel sa pag-arte. Yung tulo ang luha sa gilid ng mga mata with matching
handkerchief sa balikat ala Vilma while shouting “bakit may himala! Nagkaroon
ng himala! (ugok! Nora Aunor na yun!).
Speaking of himala,
last night I dreamed that I was talking to God. And I asked Him...
Me: God bakit nyo po
nilalang na maganda ang babae?
God: Ginawa ko silang
maganda para sila ay iyong mahalin..
Me: Isa pa God, at
bakit naman po ginawa nyo sila minsan na mga tanga?
God: Ginawa ko silang
ganun para ikaw ay mahalin din...
Lab yu darling... kung
isang araw makita mong kulay pula ang kisame at dingding natin sa iyong
pag-gising... Wag kang mabahala, wala ka sa impyerno.. Nasa loob ka lang ng puso
ko.. Naks!
No comments:
Post a Comment