Movie ni Jackie Chan? Tumpak! Kanta ng Casting Crowns? Tama ka na naman. Napanood o napakinggan mo na siguro mga ‘yan. Maganda di ba? Pero hindi sa kanta o pelikulang yan patungkol ang kwento ko este tanong pala.
Kaibigan mo ba ako? Kilala mo ba talaga ako? O ini-add mo lang ako dito para dumami ang friends list mo? Kaibigan nga ba kitang talaga o hanggang sa salitang “kaibigan” lang? Naitanong mo na ba ang mga iyang katanungan sa “tropa” mo? Malamang hindi pa. Pwes! Itanong mo na habang may panahon ka pa...hehe!
Ikaw? Anong klase kang kaibigan?
Oo na, nakikita mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Nakikita mo ang mga kapintasan at kagandahan ng loob ko. (laman loob meron).
Oo na, nakikinig ka sa aking mga problema. Mga nakakatawang kwento, biro at maging tsismis at sikreto ko.
Oo na, nagsasabi ka ng totoo, handang magbigay ng payo. Handang magbiro kapag nalulungkot ako. Mang-aasar para lang maglambing.
Oo na, handa kang gabayan at hawakan ako sa kamay kapag lubog na ako sa mga suliranin. Handang makipag-sapakan kapag ako ay may kaaway.
Oo na, minahal mo ako kahit gaano pa ako kabaliw. Tinanggap mo ako kahit marami akong mga pagkakamali at pagkukulang.
Oo na, sinasamahan mo ako sa galaan. At sinasabayan sa pagtahak sa masaya at magulong kalsada ng buhay. At syempre handang guluhin ang bangs ko pag gagong este bagong gupit ako.
Tenkful ako kay Bro dahil nahanap ko lahat ‘yan sa leading lady ko. Kumpleto rin nyan ang iba kong mga kaibigan pero hindi ko na babanggitin ang kanilang mga pangalan. Kaibigan, may kulang ba ako sa mga talatang nasa itaas o ikaw din ay may kulang sa mga nasabi ko bilang kaibigan? Kung meron man, huwag kang mag-alala, kaibigan pa rin kita. Bakit ‘kamo? Dahil sa ating mga pagkukulang na iyan sa isa’t-isa, nangyayari ang almost perfect nating samahan...
No comments:
Post a Comment