Yung iba pupunta ng Estados Unidos, Canada at kung
saan-saan pa. Ikinagagalak ko ang pagbabago ng mga layf nyo. Kung saan man
lupalop kayo ng mundo mapadpad, mag-ingat kayo dun at nawa’y pagpalain. At pag
nakarating kayo dun ay wag nyo sanang kalimutan na medium ang sukat ng damit
ko, 28 ang waist line at 42 ang kasyang sapatos sa aking mga paa. Wag na kayong
mag-alala sa brip, medyas at panyo, ako na ang bahala doon. Mainam siguro kung
sasamahan nyo na din ng Taster’s Choice na kape, spam at imported na delata at
tsokolate. Sawa na kasi ako sa mga Nescafe, Ligo, 555, at chocnut. Bihira kasi
talaga akong makatikim ng mga lasang isteytsayd. Abuso naman kung dagdagan nyo
pa ng dolyar na nakaipit sa mga singit-singit ng padala niyo. Pero kung marami
talaga kayong sobra, tumatanggap din naman ako thru Western Union at ATM.
Parang kelan lang, kalaro ko pa kayo ng bilyar sa
kanto. Na madalas laging ako ang sentro ng kantiyawan ng barkada. Paano naman
kasi di marunong pumektos. Ang alam lang yatang pektusan ay si pareng Purog na
taga-hilot ng tropa. Kung ibang bersyon ng larong bilyar, siguro naman hindi
niyo na ako kayang talunin. Magaling ako sa mga tumbukan at takohan. Pati sa
pagtira-tira ay magaling ako. Sargo kung sargo. Kahit na nakatuwad at nakaliyad
kaya kong ipasok ang dapat ipasok. Naman.
Ganyan talaga ang buhay, minsan may suwerte, may
malas (opinion ko lang, wag ng makialam). Parang layf lang, nyetah, wala na
namang kwenta...
No comments:
Post a Comment