Monday, November 25, 2013

DEAD OR ALIVE


“They lose their health to make money and they lose their money to restore their health.”


“Mabuti pang mamatay na lang ako”, sambit ni pareng Nolan habang binabagtas namin ang kahabaan ng tulay along C-5 road sa Pasig. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nung bigkasin nya yun. Parang may sumundot sa akin ng karayom sa tagiliran sa nakitang kalagayan ng aking kaibigan. Nagsara na kasi ang isang branch ng negosyo nya. Matumal daw. Bihirang may mag-invest sa bankong itinayo nya na isang metro lang ang layo sa main opis ng kanyang “tabo bank”, sa harapang gate ng Universal Robina Corporation. Na kung saan dun ako nag-oopisina, pasan ang bag kong styro, naglalako ng Wilkins mineral water at Coke mismo sa mga bystanders o sa mga pumapasok sa pabrika sa lugar na yun.

Nakwento ko na lang sa kanya ang aking pananaw sa nabigkas nyang mga salita kanina. And he smiled upon hearing it. Sabay patakbo sa kanyang four-wheeler skateboard palayo sa akin. Sya nga pala, si Nolan, a polio victim since birth.

Simpleng payo lang naman ang ibinigay ko kay ‘igan Nolan, read mo na lang at husgahan...

Pag may problema ka, huwag kang magpapakamatay, isipin mo:
Kabaong – P 20,000
Burol – P 8,500
Libing – P 15,000
Kape’t tinapay, kasama kendi – P 2,000
Sopas, lugaw at pansit lamay – P 2,000
Magastos na, nakakaabala ka pa! Pagtatawanan ka pa ng tropa! Ang masaklap nun, hindi mo na matitikman ang mga handa!

Kaya kung may problema ka, mag-inom na lang tayo...
Ginebra (bilog) – P 37x2 = 74
Nestea – P 10
Yelo(2) – P 6
Kalamansi – P 5
Boy bawang – P 10
P 105 lang ang gastos! Nakamura ka na, buhay ka pa...

No comments:

Post a Comment