Baraha. Sugal.
May araw na minamalas. May araw namang swerte. At kahapon, ang araw ng malas.
Bokya.
![]() |
| happy kasi maliit lang ang taya eh, 'lam mo na poor lang kami... |
Ang paglalaro
ng tong-its ay parang paglalaro din ng sarili nating buhay. (naks! Ayan ka
naman, pati pagsusugal idinamay mo na sa mga kwento mo). Kailangan nating
tanggapin ang bawat barahang ibinibigay sa atin. Pero kapag hawak mo na ang mga
barahang ‘yun, nasa sariling desisyon mo na, kung paano mo ito lalaruin para
manalo ka. Minsan, wala sa ganda o pangit ng barahang hawak mo ang susi para
manalo ka. Nasa diskarte mo. Pero hindi din lahat ng pagkakataon na nananalo ka
dahil magaling ang diskarte mo, minsan
dahil sa kapabayaan na din ng mga kalaban mo.
Ang pinaka madalas na pagkakamaling nagagawa natin sa mesa habang nakikipaglaro ng tong-its, ay ang maliitin ang kakayahan ng kalaban natin. Ganyan din sa totoong buhay. Underestimate. Akala mo kayang kaya mong talunin ang mga kalaban mo. Akala mo yung hawak mong baraha na ang pinaka maganda. Akala mo magtitiklop sila ng baraha kapag nag-bet ka na.
Ang pinaka madalas na pagkakamaling nagagawa natin sa mesa habang nakikipaglaro ng tong-its, ay ang maliitin ang kakayahan ng kalaban natin. Ganyan din sa totoong buhay. Underestimate. Akala mo kayang kaya mong talunin ang mga kalaban mo. Akala mo yung hawak mong baraha na ang pinaka maganda. Akala mo magtitiklop sila ng baraha kapag nag-bet ka na.
Sa tingin ko, ang tong-its ang pinakamalapit na larong
maaaring ihalintulad sa totoong buhay (susme at talagang pinangatawanan). Dahil
kailangan natin ng matinong pag-iisip (meron ka ba nun?). Kung saan kaya nating
pangibabawan o talunin ang tinatawag na tadhana o pagkakataon. Hindi natin
hahayaang mangyari na lang ang isang bagay ng basta-basta. Kailangan din nating
pag-isipang mabuti. Sa madaling salita, hindi mahalaga kung ano ang nangyayari,
mas mahalaga kung paano natin iisipin kung ano ang mangyayari.
Sa ayaw natin o sa gusto, malalaman natin ang totoong
katauhan ng isang tao kapag nakaupo na siya sa mesa para maglaro ng tong-its.
Kung sa tingin mo na nababasa ng mga kalaro mo ang iniisip mo, sarili mo lang
ang dapat mong sisihin. At kung ganun nga, matatalo ka na sa paglalaro mo, talo
ka pa sa totoong buhay.
Maraming nagtatanong kung madali lang ba maglaro ng
tong-its. Maari mong matutunang laruin ang tong-its sa loob lang ng isang araw
o ilang oras. Pero buong buhay ang kailangan mo para laruin ng tama at maayos
ang larong ito. Sa bawat araw na dumadaan sa buhay mo, pumupusta ka. Lumalaban
ka. Kung matatakot ka lang sa blap ng kalaban mo, talo ka. Dapat marunong kang
lumaban at makipaglaban. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi ka pwedeng
umatras. Umatras ka ng hindi dahil sa natatakot ka. Umatras ka kung
kinakailangan.
Ang mahirap lang sa ganitong klaseng laro, walang gustong
umayaw kapag natatalo dahil gustong makabawi hangga't may natitira pang
pangpusta (may kasamang gigil pa). Pero, kapag naman ikaw na ang nananalo,
ayaw naman nila na umayaw ka (sasabihan ka pang madaya).
Kaya ikaw! Oo, ikaw nga... magtapon ka na ng baraha... kanina ka pa nakatunganga eh... tagal...
