Saturday, December 7, 2013

LOVE STORY

Inlab ba ako? (lagi naman). Bakit kasi yan ang title eh December naman. Hindi naman araw ng mga puso. Di kaya epekto lang ng nalalapit na anniversary namin ng bebeko kaya kung anu-ano na lang naiisip isulat habang nakatunganga sa kalawakan ngayong gabi. (excited ka lang 'kamo, ungas)

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kwento sa buhay. Ke snatcher, pugante, pari, oldies, and even vendor sa kanto, tiyak meron. Normal naman sa tao yung nagmamahal at nabubuhay para magmahal. Sinungaling lang ang walang makwento sa lovelife... Kasi nga, wala namang tao ang tumitigil magmahal. Napapagod meron! Pero kapag nakapag-pahinga na... sabak na uli. Come to think of it, paano mo mahahanap yung taong kapartner mo kung sa bawat sakit na mararanasan mo eh suko ka na agad?

Sabi ng iba, wasak na wasak... sagad to the bones! So true, di sapat na mahal mo ang isang tao para maiwasan mo siyang saktan. Kasi dumarating talaga sa punto na kahit gaano mo siya kamahal ay masasaktan mo pa din. Tao ka lang naman kasi eh! Hindi ka rebulto, este santo pala. Lalo na hindi ka anghel. Kasi nga sa una lang daw masaya. At habang tumatagal lalo kang napapamahal. At habang lumalalim ang love na 'yan ay siya ring dahilan kung bakit it hurts yo nuh (slang lang, tama kaya?).

Sa una, wagas kung makapanligaw... unlimited ang text and call. I do admit nung nauso ang celfon isa ako sa na-stack sa word na "kumain ka na?, ingat ka po, i love you, nu gawa u?"... Minsan ise-save ko na lang sa drafts para di ko na ita-type ulit, know you naman me tamad (smile). Eh everyday kong litanya yan, ikaw ba hindi?

Yung iba ligaw-ligaw sa una... nungka, pagnanasa lang pala, nyeta! After that gone the wind epeks na. Iiwan ka para sa pansariling kapakanan. Minsan sinasabi, i need time. I need space. I need this for my own. (haha! relate) chos! Hindi ako ganun. Ang taym ko eh para lang sa bebeko. Hindi ako swapang sa oras. Nalulon ko kasi yung relo ko dati kaya marami akong unlimited taym. Gusto mo bahaginan kita eh... (naman)

May iba naman torn between two lovers... feeling like a fool ang drama. Di daw maiwasan kasi normal sa taong naghahanap ng kalinga, yung kalingang gusto niya eh nahanap nga lang sa iba. May mga cheap thrills. Mayroon ding lasting and eventually developed. May mga one and only... first and last! Timang na lang ang natitirang nangangarap ng fairytale. Nu ka teenager?


May mga tao ring pinapait na ng love kuno... pinatigas, ginawang bato. Pero nung maging single ayan na naman. Susugal sa pag-ibig sa kakarampot ng kaligayahan. Luka noh? Ganun yata talaga. Kung alin ang siyang pinaka-masarap maramdaman ay siya namang kayhirap namnamin kapag nasasaktan.

Know what, natututo ka naman tuwing may dumadaang mali eh. Yun ay kung nalaman mo kung saan ka nagkamali. Pero kasi, kahit every year ka pang may matutunan sa love, hindi mo pa rin maperpek. Ibig sabihin lang di dapat pinag-aaralan yun, shunga.

Sabagay may naze-zero...may almost there... almost perfect. Almost lang, never been perfect. Kapag kasi aasa ka kay destiny... eh sino nga ba si destiny? Nakita mo na ba siya? (even i hindi ko siya kilala). Si destiny ay stupid reason to do nothing. Still, love is an effort. Endless efforts... timeless effort. Hindi pekeng effort at lalong hindi pakeffort (pakipot) para hindi ka ma-effort-an sa ulo...

No comments:

Post a Comment