Wednesday, December 18, 2013

A-DAY

Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas simula nang umpisahan ko ang blog kong ito. Pero kung mapapansin nyo, bihirang-bihira kong mabanggit si Dessa (bebeko) dito. (Naks! Para ka namang may masugid na tagasubaybay).
After almost 7 months of on and off relationship, napag-desisyunan naming dalawa na magpakasal on our own, kasama ang ilang piling kunsintidor na mga kaibigan (salamat sa inyo). That was 17 years ago to be exact on this day. Opo, 17 years na kaming kasal ngayon at awa ng Diyos hindi pa nya ako isinasauli sa amin. Hopefully ay hindi dumating ang araw na iyon, bagamat she has one thousand and one reason to do that.
Inaamin ko, hindi ako naging mabuting asawa sa kanya. Malimit kaming magtalo sa maraming bagay. Tuwina’y mga kahinaan nya ang aking mga nakikita at naging bulag ako in my own weaknesses. Sinisisi ko sya sa maraming bagay na ang totoo nama’y ako naman madalas ang may sala. Dumating pa nga ang taym na halos hindi kami mag-usap kaya’t sumusulat na lang sya sa akin. Isang makabagbag damdaming tatlong pahinang sulat. Tuwing binabasa ko yun ngayon, it reminds me na hindi ako naging mabuting asawa.
That was yesterday... Tinuldukan ko na ang paniniwala sa pangako ng isang madayang ilusyon.
Ngayon ay nagsisikap akong maging isang mabuting asawa. Wala akong hangad ngayon kungdi mapaligaya ang aking mag-iina, ang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Bagama’t hindi gaanong maginhawa ang aming buhay sa ngayon, titiyakin ko namang patungo kami doon. Sana...
Through the years, when everything went wrong
Together we were strong, i know that i belong right here with you...
Through the years, i never had a doubt, we’d always work things out
I’ve learned what life’s about, by loving you...
Through the years...
Kaya bebeko, (huwag mo muna akong isauli sa amin) kumapit ka lang maigi at marami pa tayong mga along kakaharapin sa ating paglalakbay. Ikaw rin, nag-iisa lang ang kyut na Jefferson sa mundo... hehe!

Happy 17th wedding anniversary sa atin! Plok!
effortless surprise for her
INXS:
Sayang di na-capture yung moment habang ginagawa ko ang surprise na yan sa kanya. (effort mo lang, hehe!). Maliit na effort lang yan kumpara sa ibinigay na effort sa akin ng bebeko all this year. Tagaktak ang pawis ko habang inaayos ang fav nyang chocolates sa box. Anytime soon kasi, magigising na sya at gusto ko na pagmulat ng mga mata nya eh may mabungaran man lang syang ganda sa araw na ito (ahahaay... kinilig ako dyan). Hindi ko rin alam kung kinilig din ang may-ari ng flower shop habang ginagawa ko yun, napapa-ngiti kasi eh (hindi kaya sa dala-dala mong nakasupot na tig-25 coins pambayad sa flowers?). Malamang yun siguro, lol! Worth it naman siguro ang effort ko base sa pics sa taas noh? (really indeed, yo d man!).

No comments:

Post a Comment